Saturday, September 26, 2015

RASYUNAL, MITHIIN AT LAYUNIN

Mahihinuha natin na malaking bahagi sa porsyento ng populasyon ang gumagamit ng wika na may impluwensiya ng media. Hindi natin masasabi na tayo ay hindi kasama sa mga naimpluwensiyahan nito bagama't talak rin nating ginagamit ito at naeekuwentro sa ating araw-araw na buhay. Mahalaga ang adwikang ito upang makita natin ang pag-unlad ng wikang Filipino sa pahayagan, telebisyon at radyo na may malakas na hatak at impluwensiya sa paghubog ng wikang Filipino. Isa pang kahalagahan nito ay malaman natin ang kung paano gamitin ang wika sa mabuting paraan sa media at paano maiiwasan pagkasira nito.

Saksi rin tayo sa mabilis na takbo ng media sa buong mundo kung saan nangingibabaw ang mga wikang may higit na impluwensiya sa ekonomiya. Sapagka't sa media, makikita narin ang iba't ibang takbo ng pagbabago ng mundo at kung anong uso. Nais namin na kahit tayo ay naiimpluwensiyahan nito, mapalagaan parin at masagip nating ang wikang nanganganib mawala dahil nga sa mga kasangkapang pangteknolohiya partikular na ang media. Mayroong mga tao na ginagamit ang wika sa media sa masasamang paraan. Imbis na magbigay ng impormasyon at depenisyon ang ating diskurso, sinasabutahe nila ang ilang mga bagay. Kaya nais namin na matuto ang mga tao magbalanse at gamitin ang wika sa mabuting paraan sa media.

Ang adbokasiyang ito ay naglalayon upang: maliwanagan ang mga Pilipino sa maling pag gamit ng wika sa media at magkaroon ng unipormidad sa wikang ginagamit ng mga Pilipino. Naglalayon rin ito na mabigyang halaga at importansya ang wika sa media.

No comments:

Post a Comment