Saksi tayo sa mabilis na takbo ng media sa buong mundo kung saan nangingibabaw ang mga wikang may higit na impluwensiya sa ekonomiya. Sapagka't sa media, makikita narin ang iba't ibang takbo ng pagbabago ng mundo at kung anong uso.
Sa larawan na ito, makikita natin na may mga telebisyon sa mga mata ng tao. Ito ay nagpapatunay na tayo ay naimpluwensyahan na ng media kahit saan man tayo magpunta. Nagpapakita rin ito na ang Media ay hindi natin maiiwasan sapagkat ito ay kung nasan man tayo tumingin.
Dahil sa Media, mas lumalawak pa ang ating mga kaalaman. Sa Larawan na ito, binubusog tayo ng Media ng mga impormasyon.
Dahil sa pagusbong ng iba't ibang mga impluwensiya ng Media, nalilimutan na natin ang ating sariling wika kaakibat na ang kultura na para bang tayo ay mahuhulog sa bangin. Sapagkat pag tayo ay nahulog na, wala na tayong magagawa pa. Mahirap ibalik o sanayin ang ating sarili sa mga bagay bagay. Nais namin sa adbokasiyang ito na maging lubid o hadlang upang hindi tayo patuloy na mahulog sa ibang impluwensiya.
Upang mabalanse natin ang Salik ng Impluwensya ng Media sa ating Wika.
Magandang punto!
ReplyDelete