Ayon kay Tolentino (2010), Media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong bersyon, kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Ang Wika ang ginagamit ng media sa pagbibigay ng impormasyon at depinisyon. Halimbawa ay ang panunuod ng telebisyon. May nalalaman tayong mga impormasyon dahil dito. At naiintindihan natin iyon dahil sa wika. Isa pang halimbawa ay ang pag gamit ng google na isang sangay ng media, maari nating hanapin ang mga impormasyon sa isang pindot lamang.
Ang media ay isa ring malaking impluwensiya sa wika at kultura. Sa panahon ngayon, mapapansin natin na ang mga kabataan na nagiidolo ng mga Koreano ay inaaral ang lenggwaheng Korean upang maintindihan ang kanilang iniidolo. Isa pa sa mga halimbawa ay ang pag usbong ng mga salitang balbal o idiomatikong expresyong pidgin na napapanuod sa TV, gaya ng mga napapauso ng sikat na komedyante na si Vice Ganda.
Media: Salik ng Wika tungo Pagbabago" ay isang adwika upang mapahalagahan at gamitin ang wika sa mabuting paraan sa media. Ang abokasiyang ito ay ang pagsasalba ng diskursong pambansa upang sa gayon ay manatili ito at patuloy itong umunlad.
No comments:
Post a Comment