Bilang hangganan ng adbokasiyang ito, inaasahan naming magigising ang diwa ng mga tao sa kung ano nga ba ang dapat gawin sa nagiging impluwensiya ng media sa wikang kinagisnan. Hinahanggad din namin na malilimitahan ang paggamit ng medua sa wikang Filipino. Lalo't higit ay ang magkaroon ng balanseng pananaw sa paghihinuho ng media at Wikang filipino. Dapat ring maisaisip ng mga sangkot kung paano magiging kapaki-pakinabang ang media sa pagpapayabong ng wikang kinamulatan. Ang adbokasiyang pangwikang ito ay para sa ikagigising ng diwa ng mga Pilipino partikular na ang mga Lasalyano para sa pagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa wika na tinuturing din na pagkakakilanlan ng isang bansa.
Sumasangayon ako dito.
ReplyDelete