Ayon kay Tolentino (2010), Media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong bersyon, kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Ang Wika ang ginagamit ng media sa pagbibigay ng impormasyon at depinisyon. Halimbawa ay ang panunuod ng telebisyon. May nalalaman tayong mga impormasyon dahil dito. At naiintindihan natin iyon dahil sa wika. Isa pang halimbawa ay ang pag gamit ng google na isang sangay ng media, maari nating hanapin ang mga impormasyon sa isang pindot lamang.
Ang media ay isa ring malaking impluwensiya sa wika at kultura. Sa panahon ngayon, mapapansin natin na ang mga kabataan na nagiidolo ng mga Koreano ay inaaral ang lenggwaheng Korean upang maintindihan ang kanilang iniidolo. Isa pa sa mga halimbawa ay ang pag usbong ng mga salitang balbal o idiomatikong expresyong pidgin na napapanuod sa TV, gaya ng mga napapauso ng sikat na komedyante na si Vice Ganda.
Media: Salik ng Wika tungo Pagbabago" ay isang adwika upang mapahalagahan at gamitin ang wika sa mabuting paraan sa media. Ang abokasiyang ito ay ang pagsasalba ng diskursong pambansa upang sa gayon ay manatili ito at patuloy itong umunlad.
Media: Salik ng Wika tungo sa Pagbabago
Saturday, September 26, 2015
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
Sa panahon ngayon, malakas ang impak ng media sa ating wika at sa kultura sapagka't hindi ito maaring paghiwalayin. Sa Adwikang ito pinagtitibay ang mabubuting dulot at nakakapinsalang bunga ng media sa wika at kultura. Diniriin dito kung paano magiging salik ng kabutihan ang pag gamit ng media at hindi dahilan upang masira ang ating diskurso.
RASYUNAL, MITHIIN AT LAYUNIN
Mahihinuha natin na malaking bahagi sa porsyento ng populasyon ang gumagamit ng wika na may impluwensiya ng media. Hindi natin masasabi na tayo ay hindi kasama sa mga naimpluwensiyahan nito bagama't talak rin nating ginagamit ito at naeekuwentro sa ating araw-araw na buhay. Mahalaga ang adwikang ito upang makita natin ang pag-unlad ng wikang Filipino sa pahayagan, telebisyon at radyo na may malakas na hatak at impluwensiya sa paghubog ng wikang Filipino. Isa pang kahalagahan nito ay malaman natin ang kung paano gamitin ang wika sa mabuting paraan sa media at paano maiiwasan pagkasira nito.
Saksi rin tayo sa mabilis na takbo ng media sa buong mundo kung saan nangingibabaw ang mga wikang may higit na impluwensiya sa ekonomiya. Sapagka't sa media, makikita narin ang iba't ibang takbo ng pagbabago ng mundo at kung anong uso. Nais namin na kahit tayo ay naiimpluwensiyahan nito, mapalagaan parin at masagip nating ang wikang nanganganib mawala dahil nga sa mga kasangkapang pangteknolohiya partikular na ang media. Mayroong mga tao na ginagamit ang wika sa media sa masasamang paraan. Imbis na magbigay ng impormasyon at depenisyon ang ating diskurso, sinasabutahe nila ang ilang mga bagay. Kaya nais namin na matuto ang mga tao magbalanse at gamitin ang wika sa mabuting paraan sa media.
Ang adbokasiyang ito ay naglalayon upang: maliwanagan ang mga Pilipino sa maling pag gamit ng wika sa media at magkaroon ng unipormidad sa wikang ginagamit ng mga Pilipino. Naglalayon rin ito na mabigyang halaga at importansya ang wika sa media.
Saksi rin tayo sa mabilis na takbo ng media sa buong mundo kung saan nangingibabaw ang mga wikang may higit na impluwensiya sa ekonomiya. Sapagka't sa media, makikita narin ang iba't ibang takbo ng pagbabago ng mundo at kung anong uso. Nais namin na kahit tayo ay naiimpluwensiyahan nito, mapalagaan parin at masagip nating ang wikang nanganganib mawala dahil nga sa mga kasangkapang pangteknolohiya partikular na ang media. Mayroong mga tao na ginagamit ang wika sa media sa masasamang paraan. Imbis na magbigay ng impormasyon at depenisyon ang ating diskurso, sinasabutahe nila ang ilang mga bagay. Kaya nais namin na matuto ang mga tao magbalanse at gamitin ang wika sa mabuting paraan sa media.
Ang adbokasiyang ito ay naglalayon upang: maliwanagan ang mga Pilipino sa maling pag gamit ng wika sa media at magkaroon ng unipormidad sa wikang ginagamit ng mga Pilipino. Naglalayon rin ito na mabigyang halaga at importansya ang wika sa media.
30 NA HALIMBAWA
u Sikat na mga Linya dahil sa Ekolek ng mga nagsasabi nito:
1. Boom Panes, Etchos, Ansaveeh. -Vice Ganda
2. Magandang Gabi, Bayan! -Noli De Castro
3. Wala kayong pake kung pabebe kami. -Pabebe Girls
4. Dharla, let's go zumba! -Kris Aquino
5. Hindi namin kayo tatantanan! -Mike Enriquez
6. Handa na ba kayo? -Korina Sanchez
7. Kaibigan, usap tayo! -Boy Abunda
8. Bongga na to! -Ruffa Mae Quinto
9. Bigyan ng jacket! -Willie Revillame
10. Bawal ang sad, dapat happy! -Rhyzza Mae
u Salitang Jejemon o pagpapalit ng mga letra sa salita ng numero.
11. 3oW! -Hello
12. mUstAh qUah nUaH? -Kamusta ka na?
13. An3u pFoW gW4 n3o? -Ano po gawa niyo?
14. J3j3j3 -Hehehe
15. iKhAw l4NgzZ sApUat nUaH! -Ikaw lang sapat na.
u Salitang Bekimon o Salitang Beki
16. Stress Drilon –Nakakapagod/ stress
17. Anda/ Kuray- Pera
18. Junakis -anak
19. Tamalis -tamad
20. Kyotatalet - Sanggol
u Acronyms
21. Otw -On the Way/ Papunta na
22. KSP - Kulang sa Pansin
23. FFTB -Fresh From The Banyo
24. JWU - Just Woke Up
25. TB -Throw Back
u Linya mula sa Pelikula
26. "Walang sayo, Nicole! Akin lang ang asawa ko!" -Two Wives
27. "Sana ako parin. Ako nalang. Ako nalang ulit" - One More Chance
28. "Paano ba makalimot?" -That Thing Called Tadhana
29. "Kailangan ba talaga pag' nagmamahal ka, masasaktan ka rin?" -She's dating the ganster
30. "Sana kahit minsan makita mo rin ako. Kasi ako, ang nakikita ko, ikaw lang." -Paano na kaya
DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
Saksi tayo sa mabilis na takbo ng media sa buong mundo kung saan nangingibabaw ang mga wikang may higit na impluwensiya sa ekonomiya. Sapagka't sa media, makikita narin ang iba't ibang takbo ng pagbabago ng mundo at kung anong uso.
Sa larawan na ito, makikita natin na may mga telebisyon sa mga mata ng tao. Ito ay nagpapatunay na tayo ay naimpluwensyahan na ng media kahit saan man tayo magpunta. Nagpapakita rin ito na ang Media ay hindi natin maiiwasan sapagkat ito ay kung nasan man tayo tumingin.
Dahil sa Media, mas lumalawak pa ang ating mga kaalaman. Sa Larawan na ito, binubusog tayo ng Media ng mga impormasyon.
Dahil sa pagusbong ng iba't ibang mga impluwensiya ng Media, nalilimutan na natin ang ating sariling wika kaakibat na ang kultura na para bang tayo ay mahuhulog sa bangin. Sapagkat pag tayo ay nahulog na, wala na tayong magagawa pa. Mahirap ibalik o sanayin ang ating sarili sa mga bagay bagay. Nais namin sa adbokasiyang ito na maging lubid o hadlang upang hindi tayo patuloy na mahulog sa ibang impluwensiya.
Upang mabalanse natin ang Salik ng Impluwensya ng Media sa ating Wika.
BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Bilang hangganan ng adbokasiyang ito, inaasahan naming magigising ang diwa ng mga tao sa kung ano nga ba ang dapat gawin sa nagiging impluwensiya ng media sa wikang kinagisnan. Hinahanggad din namin na malilimitahan ang paggamit ng medua sa wikang Filipino. Lalo't higit ay ang magkaroon ng balanseng pananaw sa paghihinuho ng media at Wikang filipino. Dapat ring maisaisip ng mga sangkot kung paano magiging kapaki-pakinabang ang media sa pagpapayabong ng wikang kinamulatan. Ang adbokasiyang pangwikang ito ay para sa ikagigising ng diwa ng mga Pilipino partikular na ang mga Lasalyano para sa pagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa wika na tinuturing din na pagkakakilanlan ng isang bansa.
Subscribe to:
Posts (Atom)